Pormal na inilunsad ng Philippine Navy ang kanilang nationwide mangrove planting program na tinawag na “Bakawanan 2010”sa Barangay Ligtong, Rosario,
Sa pangunguna ni Lt. Cdr. Gilbert Pacio, mahigit sa 180 tauhan ng Philippine Fleet, residente ng Barangay Ligtong at mga NGOs ng bayan ng Rosario ang sama-samang nagtanim ng 2,500 mangrove seedlings mula sa DENR. Ang programang pangkalikasan na ito ay bahagi ng proyekto ng Departamento ng Tanggulang Pambansa na maibalik ang dating lawak ng bakawanan sa buong Pilipinas.
Ang mangrove planting ay isinagawa ng iba’t-bang organisasyon sa Rosario Cavite kabilang dito ang Lingkod Bayan ng Rosario, Bantay Dagat, Coral Reef, People to People Aid, Philippine Rural Reconstruction Practicumers ng UPLB at ang mga residente ng Barangay Ligtong Uno, Dos, Tres at Kuwatro. Ito ay sa pakikipagtulungan ng DENR, DA, Philippine Navy at Local Government of Rosario.
Sa pambungad na programa, sinabi ni Lt. Cdr Gilbert Pacio, Chief of Fleet Staff for CMO ng Philippine Fleet na ang bakawan ay nagsisilbing tahanan ng mga isda, pumipigil sa erosyon ng lupa at sumisipsip sa mga kemikal at ibang masamang elemento sa ating karagatan.
Samantala, isinagawa noong nakaraang sabado, Enero 30, ang education phase ng naturang programang pangkalikasan na kung saan ay magkaagay na nagbigay ng leksiyon ang mga tauhan ng Navy at Provincial Agriculturist ng Cavite sa kahalagahan ng bakawan sa ating mga baybayin.
No comments:
Post a Comment