
Muling pinatunayan ng Philippine Fleet, Philippine Navy na ang kapaskuhan ay panahon ng pagmamalasakit, pagbibigayan at pagmamahalan sa pamamagitan ng isang serye ng mga gawaing pangkomunidad sa Cavite noong Disyembre 2010.
Kabilang sa serye ng operasyong sibil-militar ng Philippine Fleet ay ang Adopt-a-School Program noong Disyembre 14 na kinapapalooban ng feeding, gift-giving at mga palaro, Ang Estansuela Elementary School ang napiling benepisyaryo ng naturang programa na kung saan ang 265 estudyante nito ay nakatanggap ng school bags, tsinelas, school supplies at laruan bukod pa sa mga masustansiyang pagkain na inihain sa kanila sa feeding program. Pati ang mga guro ay nabiyayaan din ng regalo mula sa mga tauhan ng Navy.
Ang gift-giving ay pinangunahan ni Rear Adm. Jose Luis Alano, PhilFleet Commander, kasama si Capt. Jose Gador, PATFOR Commander; Lt. Cdr. Gilbert Pacio, Fleet CMO Officer; Lt. Rodney Cudal, SERVFOR CMO Officer; PAGIBIG Fund representative Sheryl Mariano at mga opisya at tauhan ng Philippine Fleet.
Ang programang ito ay sa pakikipagtulungan ng PAGIBIG Fund Wholesale Lending Group sa pamumuno ni Engr. Juanito V. Eje, Magnolia, Monterey, Emperador Distillers, City Government of Cavite, Suyat Family, Rusit Family, Thriftshopmoto, Jollibee Food Corp., EON, Operation Out-of-the-Box, Ronald Mc Donal House of Charities, Happy Events Foundation, Raya School at Bato Balani Foundation.
Samantala, nauna ng nagsagawa ng Student Leadership Forum sa PUP Maragondon ang Cavite CMO Team ng Navy noong Disyenbre 10, 2010 na kung saan tinuruan nila ang mga first year college students ng leadership, role in the society at job opportunities. Nagkaroon din ng team-building games at cheering competition kung saan naglaban-laban ang iba’t-ibang kurso ng pamantasan.
Great endeavor by the Navy sailors. Thank you to all government and private agencies that contributed a lot in the realization of this project
ReplyDelete