Thursday, January 12, 2012

ANG PAGLALAYAG NG LAKAS DAGATNIN SA TAONG 2011

Isang malaking hamon sa Tanggapan ng Operasyong Sibil-Militar ng Lakas Dagatnin ng Pilipinas ang pagpapatupad nito ng mga aktibidad na naayon sa kampanyang “Bayanihan” ng AFP. Bagama’t maayos na’ng nailatag ang mga prayoridad, mayroon pa ring mga makabuluhang programa ang naisakatuparan sa pamamagitan ng tulong ng iba’t-ibang pribadong kumpanya, lokal na pamahalaan ng Kabite at iba’t-ibang lokal na ahensya ng gobyerno.

Sa taong 2011, ang paglalayag ng Lakas Dagatnin tungo sa layunin nitong pagbabago at marangal na paglilingkod ay naging makulay dahil sa dedikasyon ng mga tauhan nito sa kanilang trabaho at sa inspirasyong dulot ng mga taong nabiyayaan nito ng tulong.
Naging matagumpay ang ginawang pakikipag-ugnayang sibil at pampubliko ng Lakas Dagatnin, dahilan upang makalikom ng malawak na suporta at magkaroon ng pagkakataong maiangat ang imahe ng Hukbong Dagat.

Kabilang sa mga programang naisakatuparan mula Enero hanggang sa kasalukuyan ay may kinalaman sa ugnayang pampubliko, ugnayang sibil at operasyong sikolohikal.
Nagsagawa ng anim na beses na feeding para sa mga batang kulang sa timbang sa Barangay Dones, Cavite City na binansagang “Lugaw, Sopas, Itlog, Champorado at iba pa (LuSoG Charap).” Katuwang sa programang ito ang City at Provincial Government of Cavite, City Social Welfare and Development Office, Monterey, SM-Dasmarinas, Magnolia, Purefoods, Universal Robina, Suyat Familym Rusit Family, Thriftshopmoto, at PAGIBIG Fund.

Namahagi rin ng wheelchairs sa mga mahihirap na may kapansanan. Ang programang ito na tinawag na “Gulong ng Buhay Project” ay naglalayong mabigyan ng mobilidad ang mga may kapansanan upang magkaroon sila ng pakinabang sa lipunan at maging makabuluhan ang kanilang pamumuhay. May kabuuang 25 wheelchairs na ang naipamahagi sa Kabite at patuloy pa rin ang pagsasagawa ng programang ito hangga’t ang One World Institute, na siyang nagbigay ng mga wheelchairs, ay patuloy na susuporta sa Philippine Fleet. Katunayan, noog Disyembre 5, 2011 ay namahagi tayo ng wheelchairs sa Rosario, Cavite.

Makabuluhan din ang programa ng Fleet na Student Leadership Forum at Lakbay Laro 2011 (Sports Tour) sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad sa lalawigan ng Kabite.
Nagkaroon ng pakikipagpanayam ang mga opisyal at tauhan ng Fleet kasama ang lahat ng sangay ng Navy sa kabite sa mga student leaders at freshman students ng Cavite State University sa Indang at ng Technological University of the Philippines, Silang. Ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa leadership at ang kanilang papel sa mga krisis sa bansa gaya ng disaster at kalamidad. Kasabay nito ang pagkakaroon ng basketball at volleyball friendship games sa pagitan ng Fleet athletes at CVSU at TUP varsitarians and faculties. Sa larong ito, nabubuo ang samahan at napapalapit ang loob ng mga estudyante at faculty sa mga tauhan ng Navy.

Maraming pagkakataon na rin na ang mga tauhan ng Navy ay boluntaryong nag-alay ng kanilang dugo upang madugtungan ang buhay ng ibang tao. Ang bloodletting activity na ito ay tinaguriang “Dugo ko, Dugtong Buhay mo.” Lampas 300 tauhan na ng Fleet ay nakapagbigay ng dugo sa iba’t-ibang pasyente ng AFP Medical Center, UST Hospital, Cardinal Santos Hospital, Philippine General Hospital at iba’t-ibang ospital sa Kabite.

Matagumpay din ang ginagawang pagsuporta ng Fleet sa mga mahihirap na mag-aaral ng Cavite public elementary schools. Lampas 1,000 estudyante na ang nabiyayaan ng mga school bags at school supplies. Ang pagtulong na ito sa mga elementary students ay binansagang “Lingap Pangarap Program” na kung saan ang mga hikahos na pamilya sa Kabite ay tinulungan nating mapag-aral ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng libreng school bag na may lamang mga pad paper, notebooks, ball pen, pencil, eraser, color, ruler, tsinelas at ang iba’y may mga sapatos pa. Sinimulan ang proyektong ito ngayon taon at nais ng Fleet na maipagpatuloy ito hanggang sa makatapos ng elementarya ang mga napiling mag-aaral. Bilang maagang pamasko ng Fleet, namahagi tayong muli ng school bags na may school supplies at gift packs sa 200 mag-aaral mula sa Dalahican, Sta. Cruz, Estansuella at Manuel Rojas elementary schools noong Disyembre 14, 2011.

Taun-taon, ang Philippine Fleet ay katuwang ng DepEd sa programang Brigada Eskwela. Natulungan na natin ang Sangley Elementary School, Sta. Cruz Elementary School, Cavite National High School at ang Amaya School of Home Industries sa Tanza, Cavite.
Nagsanib pwersa din ang Philippine Fleet, Cavite Naval Hospital, 1302nd PN Dental Dispensary, Naval Base Cavite, Provincial at City Health Offices, Mateo Pharmacy at iba pang grupo upang makapaghatid tayo ng libreng serbisyong medical at dental at operation tule sa mga Kabitenyo.

Nakakantig-puso rin ang pagtulong natin sa mga batang may kanser sa pamamagitan ng Kythe Dream Flight Project at Kythe Summer Camp. Sa proyektong ito, nabigyan natin ng katuparan ang pangarap na makasakay ng eroplano at barko ang mga batang may sakit na kanser mula sa iba’t-ibang ospital na sinusuportahan ng Kythe Foundation. Naging bukas naman ang Sangley at Fort San Felipe sa mga estudyante. Maraming beses na nagkaroon ng base at ships tour ang ilang eskuwelahan sa Pilipinas na inorganisa ng The World of Outbound.

Naging kabahagi rin ang Fleet sa pangangalaga ng kalikasan. Ilang okasyon din ng coastal clean-up ang naisagawa sa mga baybayin sa Kabite at pagtatanim ng mga puno kasama ang mga opisyales at mga residente ng tatlong barangay ng Indang, Cavite.
Naging abala rin ang Philippine Fleet sa pagsasanay sa CMO ng iba-t-ibang yunit ng Navy. Ang CMO Mobile Training Team ng Philippine Fleet na kinabibilangan ni CDR GILBERT O PACIO PN, PO2 Michael Erni, PO2 Edgar Moraleta at PO3 Roderick Peru, ay nagsagawa ng pagsasanay sa mga barko sa Naval Forces Eastern and Western Mindanao, mga piling tauhan ng Naval Forces Southern Luzon, mga reservists ng Naval Forces Northern Luzon, at mga tauhan ng Naval Sea Systems Command, Cavite Naval Hospital at nitong huling kwarter ng taon ay sa mga estudyante ng kauna-unahang CMO Officers Course ng Navy na ginanap sa Brigade Training Center ng NCBde sa BNS, Taguig City.

Ang mga kaganapang nabanggit ay naglalayong magkaroon ng kamalayan ang publiko tungkol sa Navy--ang kahalagahan nito sa pambansang seguridad at sa pagtataguyod ng isang nasyon, pagpapaunlad ng komunidad at sa panahon ng kalamidad at disaster. Ang kamalayang ito ang hihikayat ng suporta mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, dahilan upang magkaroon ng pabor na pananaw ng madlang bayan para sa Hukbong Dagat.

Sa lahat ng mga napagtagumpayang programa ng Lakas Dagatnin at sa mga darating pang proyekto, lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng indibidwal, grupo, pribadong kumpanya at mga ahensya ng pamahalaan na di nagkait ng kanilang suporta at kooperasyon kasama rin dito ang mga miyembro ng local media sa Kabite na sila Nelia Sevilla at Peanut Gonzales. Marami ng parangal ang natanggap ng Lakas Dagatnin mula sa iba’t-ibang komunidad at ahensya. Ang parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy namin ang mabubuting gawain para sa ating mga kababayan. Bagama’t mahalaga ang parangal, mas importante pa rin ang kasiyahan na aming nararamdaman sa tuwing nakakatulong tayo sa mga nangangailangan at ang sapat na kabayaran sa lahat ng ito ay ang matamis na ngiti at pasasalamat at ang kaisayahan ng mga taong ating natulungan. Mula sa aming puso, isip at diwa, patuloy na maglalayag ang Lakas Dagatnin ng Pilipinas sa mga susunod na panahon upang ganap na maging kaakibat ng sambayanang Pilipino sa pagbabago at marangal na paglilingkod.

No comments:

Post a Comment

Philippine Navy Participated in the 15th PIHAB Festival

CLARK AIR FIELD, PAMPANGA – Philippine Navy contingent, headed by Lt. Cdr. Gilbert Pacio PN, triumphed over their successful participation in the 15th Philippine International Hot Air Balloon Festival as two of their pilots received awards from the organizers Feb. 13, 2010.

“Naval Air Group’s Lt. Taborlupa and Lt. Dela Vega were awarded Best Trainer Pilot and Best Pilot, respectively, for their participation in the helicopter demonstration and balloon bursting competition where the Navy aviators finished second overall,” Lt. Cdr. Gilbert Pacio PN said in an interview.

The Philippine Navy has been a key performer in the annual event, holding three overall championship titles in the balloon bursting competition with Lt. Cdr. Lincuna, now commanding officer of PG395, as the three-time champion in the individual category.

Other Navy participants have been the consistent crowd drawers in the static display where hundreds of festival spectators mobbed to their booth for a photo session with the equipment, armaments and personnel of the Philippine Marines Force Reckon Team and the Naval Special Operations SEAL, diving and explosive ordnance teams. The Fleet Marine Ready Force showcased their photos taken during their rescue and relief operations at the height of typhoon “Ondoy” and “Pepeng.”

The Philippine Marines skydiving team also made a series of high-altitude jump to add to the fun and excitement of the festival. The team made a total of nine jumps in tandem with the Army skydiving team.

NAG’s R22 Trainer Helicopter was a regular crowd favorite where almost 1,130 visitors (children and adult) fell in line to have a got-the-feel ride in the helicopter.

“The Navy contingents also became instant love inspiration when they distributed roses to single and married ladies including elders during the closing day of the festival, which happened to be Valentine’s day,” Pacio said.

“The PIHAB Festival is an annual event that helps boost the tourism industry in the former US air base. The Philippine Navy has been participating in this event since 2006,” Pacio added.

A valentine's treat for women

A valentine's treat for women

Bakawanan 2010

Bakawanan 2010